Home ENTERTAINMENT Zsa Zsa, bilib sa SONA ni PBBM!

Zsa Zsa, bilib sa SONA ni PBBM!

268
0

Manila, Philippines – Impressed si Zsa Zsa Padilla sa naging talumpati ni Pangulong Bongbong Marcos sa ikaapat na SONA nito nitong July 28.

Ipinost nga ng Divine Diva ang mga puntong ikinahanga niya, lalung-lalo na ang mahahalagang usaping nangangallangan ng solusyon.

Partikular na binak-apan ng singer-actress ang pagpapalakas sa Philhealth para tugunan ang isyu ng kalusugan.

Bilib din si Zsa Zsa sa pagtutok ng pamahalaan sa edukasyon, hindi lang para sa mga mag-aaral kundi pati na rin sa mga guro.

Umaasa rin si Zsa Zsa na tutuparin ni PBBM ang pangakong papanagutin ang mga taong responsable sa matinding pagbaha sa bansa–making “accountability” as the key to addressing the problem.

Ani Zsa Zsa, malaki nga namang perhuwisyo ang dulot ng tiwaling sistema sa flood control sa ating bayan.

Sa huli, the singer is keeping her fingers crossed na magkakaroon ito ng katuparan sa huling tatlong taon sa puwesto ng Pangulo: “Mabuhay si PBBM…mabuhay ang Pilipinas!”

Amen. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here