Home ENTERTAINMENT SB19, ligtas sa tsunami!

SB19, ligtas sa tsunami!

259
0

Los Angeles, USA – Sinigurado ng SB19 sa fans nila sa ligtas sila sa mainland USA kasama ang kanilang touring team.

Hawaii kasi ang susunod na destination nila at base sa balita ay may nakaambang panganib ng tsunami sa island state na ito.

Posibleng umabot ng 10 feet ang tsunami waves sakaling matuloy at ito ay after effect ng 8.8 magnitude earthquake na yumanig sa Kamkatchka Peninsula ng Russia.

Ang performance nila na bahagi ng ‘Simula at Wakas’ world tour ay naka-schedule sa August 1 at ang venue ay ang Hawaii Convention Center.

Naglabas ng statement ang SB19 management na 1Z Entertainment sa kanilang social media.

“We hope that everyone is staying safe, especially those in areas affected by the impending tsunami including Hawaii, our next tour stop.”

Matapos sa Hawaii ay maglalayag naman ang SB19 sa next stops nila na Hong Kong, Sydney, Dubai, Singapore, Jeddah, Melbourne, Doha, at Tokyo. Trixie Dauz

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here