Home OPINION SUSMARYOSEP!

SUSMARYOSEP!

181
0

TUMAAS daw ang trust at peformance rating ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., ayon sa survey ng OCTA Research.

SUSMARYOSEP!

Hindi natin alam kung saang lugar isinagawa ang survey na ito.

Pero tanungin n’yo kahit ang mga trabahador sa Palasyo kung para sa kanila ay katiwa-tiwala pa ba ang Pangulo.

HAYST BUSET…ang sagot ng marami sa kanila.

Isinagawa ang survey noong Hulyo 12 hanggang Hulyo 17.

Ibig sabihin, hindi pa bumabayo sa panahong ito ang sunod-sunod na bagyo at habagat na nagdulot ng malawakang pagbaha sa Pilipinas.

At sa mga araw na ito na marami ang nagdurusa sa baha, nawalan ng tirahan at namatayan ng mahal sa buhay…marami tayong kababayang sumisigaw ng… MARCOS RESIGN! MARCOS INUTIL!

Ngayon ang tanong, naniniwala ba kayo sa survey na tumaas daw ang trust at performance rating ni Bongbong Marcos?

SUS GINOO!

Ang kataka-taka sa survey ay ang pagtaas ng trust rating din ni SPEAKER MARTIN ROMUALDEZ na kung tawagin ng kanyang mga kritiko ay TAMBALOSLOS.

Malinaw po ha, mga kritiko ang nagbansag kay Romualdez bilang TAMBALOSLOS.

Ang iba nga, ang tawag sa kanya ay TAMBALUSTAY.

Kung ganyan siya binabansagan, naniniwala ba kayo na marami pa sa kanya ang NAGTITIWALA?

E siya nga raw itong PINUNO NG MGA DOROBO sa Kongreso. SUSMARYOSEP!

Malaking KALOKOHAN ang survey na ‘yan!

Saan ba isinagawa ang survey na ‘yan? Sa kural ng mga BABOY ha? Bwar, har, har!

Hindi naman talaga natin inaasahang tataas ang trust at performance rating ni Vice President Sara Duterte. Matapos siyang pukulin ng kung ano-anong akusasyon ng ating mga “kagalang-galang” na mambubutas, este, mambabatas at pinipilit na pinatatalsik sa puwesto, hindi talaga siya makapagtatrabaho nang maayos.

E ‘di kayo na ang magagaling. Hik, hik, hik!

Mabalik tayo sa SONA noong nakaraang Lunes. Hanggang ngayon kasi, ako ay natatawa.

Lalo na sa eksena na masiglang-masiglang nagpalakpakan na may kasamang hiyawan ang mga kongresista nang sabihin ni “Junjun”, este, ni Dayunyor na MAHIYA naman ang mga magnanakaw ng pondo para sa proyektong pangkontrol sa baha.

E kasi, mistula silang mga BUWAYA na inuuto-uto ang kanilang MASTER sa isang circus.

Sila ang mga tinutukoy na KAWATAN pero nagpalakpakan pa ang mga walanghiya! Har, har, har!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here