Home HOME BANNER STORY Batang de balisong habang naglilimos, hawak na ng DSWD

Batang de balisong habang naglilimos, hawak na ng DSWD

316
0

MANILA, Philippines – Nasagip ng mga awtoridad ang batang babae na naging viral sa social media matapos mamalimos habang may hawak na kutsilyo sa kanto ng Alabang-Zapote Road at Diego Cera Avenue sa Las Piñas City.

Ayon kay PCol. Sandro Jay Tafalla, hepe ng pulisya ng Las Piñas, “So, immediately nga, itong batang ito ay ni-rescue… nasa pangangalaga na sila ng City Social Welfare and Development.”

Nakipag-ugnayan na rin ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa lokal na pamahalaan. Ayon kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, “Unfortunately, supposedly the mother of the minor is a drug dependent. So hindi niya talaga naaalagaan yung bata.”

Dadaan muna sa masusing pagsusuri ng mga social worker ng lokal na pamahalaan ang bata bago ito mailipat sa tirahan ng DSWD.

“Sa ngayong punto na ito, walang kapasidad yung magulang… So the state has to come in. We will make sure na ma-rehabilitate, ma-iayos bago natin siya ibalik sa community,” dagdag ni Gatchalian.

Samantala, magpapatupad ng curfew at magdadagdag ng presensiya ng pulisya sa nasabing lugar. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here