Home NATIONWIDE 4 NPA tigok sa engkuwentro sa N. Samar

4 NPA tigok sa engkuwentro sa N. Samar

230
0

MANILA, Philippines – Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa engkuwentro laban sa tropa ng gobyerno sa Barangay San Isidro, Las Navas, Northern Samar nitong Huwebes ng madaling araw, ayon sa Philippine Army 8th Infantry Division (8ID).

Nagsimula ang bakbakan bandang 2:30 a.m. kung saan kinailangang humingi ng fire support ang mga sundalo matapos madiskubreng napalilibutan ng ipinagbabawal na anti-personnel mines ang kuta ng mga rebelde.

Bandang 10 a.m., nakaengkuwentro pa ng mga reinforcement mula 803rd Infantry Brigade ang iba pang miyembro ng NPA malapit sa unang lugar ng sagupaan.

Nakarekober ang militar ng apat na M16 rifle at isang M203 grenade launcher. Ayon sa ulat, kabilang sa Eastern Visayas Regional Party Committee ang mga nasawing rebelde.

Isinagawa ang operasyon matapos iulat ng isang residente ang presensya ng armadong grupo na umano’y nangongotong at nananakot sa mga magsasaka sa lugar.

Matagal nang itinuturing na balwarte ng NPA ang kabundukan ng Las Navas. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here