Home NATIONWIDE Luzon, Visayas uulanin sa habagat

Luzon, Visayas uulanin sa habagat

231
0

MANILA, Philippines – Magdadala ng maulap na kalangitan at kalat-kalat na pag-ulan sa Luzon at Visayas ngayong Biyernes ang southwest monsoon o Habagat, ayon sa PAGASA.

Apektado ng mga pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang Ilocos Region, Batanes, Babuyan Islands, Abra, Benguet, at Zambales. Posible rin ang pagbaha at pagguho ng lupa bunsod ng katamtaman hanggang malalakas na pag-ulan.

Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon at Visayas ay makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may panaka-nakang pag-ulan o thunderstorms. Maaaring magdulot ng flash floods o landslides ang malalakas na thunderstorms.

Sa Mindanao, asahan din ang bahagyang maulap hanggang maulap na kalangitan na may mga pulos-lokal na thunderstorms.

Katamtaman hanggang malalakas ang hangin sa hilagang dulong bahagi at kanlurang bahagi ng Luzon, na may katamtaman hanggang maalon na dagat.

Sa ibang bahagi ng bansa, inaasahan ang banayad hanggang katamtamang hangin at bahagyang pag-alon ng dagat. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here