Home METRO Waterspout, nanalasa sa Zambales

Waterspout, nanalasa sa Zambales

274
0

SAN ANTONIO, Zambales – Isang waterspout na nabuo sa baybayin sa bayan ng Cabangan ang bumunot ng mga puno at nag sira ng ilang bahay nitong Huwebes.

Ayon kay Champ Del Rosario, pinuno ng Cabangan Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office, na unang nabuo ang waterspout malapit sa Barangay Laoag alas-12:15 ng tanghali bago lumipat patungo sa Barangay Lomboy at Longos.

“The strong winds caused trees to be uprooted and damaged houses due to falling debris and branches,” saad ni Del Rosario.

Ayon sa inisyal na ulat mula sa Barangay Longos Disaster Risk Reduction and Management Council, isang bunot na puno ng mangga ang bumagsak sa dalawang bahay.

Ang iba pang mga natumbang puno ay bahagyang nakaharang sa isang bahagi ng national highway. Tinamaan nito ang poste ng kuryente, na nagresulta sa pagkawala ng kuryente na tumagal ng hindi bababa sa tatlong oras sa ilang mga nayon.

Walang naiulat na nasugatan o nasawi habang nagsagawa ng clearing operations sa nasabing lugar. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here