Home METRO P476-K tobats nasamsam sa Bulacan

P476-K tobats nasamsam sa Bulacan

194
0

BULACAN, Philippines – Aabot sa P476,000.00 halaga ng iligal ng droga ang nasamsam sa hinihinalang High-Value drug suspect sa buy-bust operation ng pulisya sa lungsod San Jose Del Monte (SJDM).

Kinilala ng pulisya ang naarestong suspek na si alyas “Epi”, 44, residente ng Brgy. Sto. Cristo.

Sa report ni PLTCOL Reyson Bagain, hepe ng SJDM police station, isinagawa ang operasyon dakong 10:26 ng gabi nitong Huwebes, Hulyo 31 sa Brgy. Sto. Cristo.

Ayon sa report, nabilhan ng poseur buyer ang suspek ng isang sachet ng hinihinalang shabu kaya agad siyang inaresto ng mga pulis na nasa lugar.

Nakumpiska pa sa suspek ang karagadang anim na sachet na hinihinalang shabu na may timbang ng nasa 70 gramo na aabot sa halagang P476,000.00 at marked money.

Huli rin bandang 1:50 ng madaling nitong Agosto 1 ng Malolos police ang High-Value Individual na si alyas “Joy”, 47 , kusinero at kasabwat na si alyas “Mar”, 24, kapwa residente ng Obando nang masamsaman ng P680,000.00 halaga ng hinihinalang shabu.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa istasyong humuli sa kanila. (Dick Mirasol III)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here