Manila, Philippines- Inamin ni Ashley Ortega sa interview sa kanya ng negosyanteng si Anna Magkawas, na naadik din siya for a while sa alak dahil sa mga pinagdaanang personal issues.
Sabi ni Ashley, “There was a time that I was an alcoholic.”
Naaalala pa raw niya ‘yung mga araw na talagang tumatakas siya sa kanilang bahay para bumili ng mga bote ng alak sa convenience store, at saka niya itatago sa cabinet sa loob ng kanyang kwarto.
“May mga bottles ako na nakatago sa cabinet ko pero nahuli din ako.
“Actually, nahuli ako ng mommy ko, doon talaga nagalit siya sa akin. ‘Sisirain mo yun buhay mo?’” ang talak daw nito sa kanya.
Isa sa mga dahilan kung bakit naging manginginom si Ashley ay dahi sa kanyang career.
Iniisip niya kung bakit puro supporting roles lang ang ibinibigay sa kanya kumpara sa mga kasabayan niya na puro nagbibida na.
“I was aware of what I was doing pero pang cope ko lang yun, just to forget my reality. “Kumbaga, I just wanted to have my own world.
“That time, yung mga roles ko lang nu’n, support lang eh. I’m still grateful for my roles kasi lahat naman ng roles na binibigay sa akin, I would always give justice to it,” esplika niya.
“Sinasabi ko lang sa sarili ko na sana magka-leading show na rin ako balang araw.
“Na-stress din ako seeing them be like that. Yung mga tao sa paligid ko, they were trying to compare me to other people so nawala rin yung confidence ko.”
Hindi naman daw nagtagal ang pagiging alcoholic ng dalaga dahil itinigil na niya ito after two months.
Pero enjoy pa rin naman daw siya sa pag-inom ng alak, but in moderation na.
Kasunod din nito, mas naging solid daw ang faith niya kay Lord.
“Doon din ako naging close kay God actually. Kaya nawala rin ako sa phase na yun, it’s because I started praying, talking to God everyday.” Rommel Placente