Home ENTERTAINMENT Vice, natakot mawalan ng endorsement!

Vice, natakot mawalan ng endorsement!

246
0

Manila, Philippines- Viral ang isang video kung saan naging presentor si Vice Ganda sa isang pamosong award-giving body.

Sa nasabing event, naging co-presentor niya si Marian Rivera.

Habang binabasa ang spiel ay nag-react si Meme sa script dahil bukod sa tropeo ay may kaakibat na cash prize ang kategorya.

Incidentally, ang sponsor ng cash prize ay kakumpentensiya ng online gaming platform na ini-endorse niya.

Sey niya: “The winner will receive a trophy and a 50,000 pesos- Oh, hindi ko lang alam if pwede kong banggitin yan dahil baka mawalan ako ng kontrata.”

So, ang nangyari, si Marian ang natokang mag-anunsyo ng winner.

Umani naman ng samu’t-saring reaksyon sa netizens ang on-the-spot na sinabi ni Meme.

May mga nagsabing natakot siyang mawalan ng endorsement.

May mga humirit namang pinuri siya sa kanyang propesyonalismo.

Ito ang ilan sa komento ng mga nagma-Marisol.

“Hahaha. Di nakalusot kay Meme.”

“That’s self-preservation. Ako man nasa lugar niya. Takot akong mawalan ng trabaho.”

“Iwas bawas raket.”

“You call that professionalism.”

“Buti na lang attentive si Meme Vice!” “Nakakabilib yung bilis ni Vice dito, and she kept it cool lang.”

“Good for Meme, respeto na lang din sa nagpapasweldo sa kanila.”

“She really knows her value and respects the companies and the contract.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here