Home METRO Bodega ng NFA puno pa ng rice buffer stocks

Bodega ng NFA puno pa ng rice buffer stocks

268
0

MANILA, Philippines – Ayon sa National Food Authority (NFA) nitong Sabado na ang mga warehouses sa bansa ay mayroong maraming rice buffer stocks, kahit pa dumaan sa bansa ang sunud-sunod na bagyo at habagat noong nakaraang linggo.

“Hindi pa din substantially nabababawasn ang ating stock sa mga bodega,” saad ni NFA Administrator Larry Lacson.

“Even dumating ang mga bagyo lahat yan ay pinaghahandaan natin. Meron man na-damage dalawa lang. Sa Alaminos, Pangasinan at isa naman sa La Union,” dagdag niya.

Ayon pa kay Lacson na mayroong sapat na stocks ang NFA na maaaring tumagal ng 12 na araw. Ito ay may 452,000 ng palay o humigit-kumulang 9 milyong sako ng bigas.

“Sa kadahilanan na ang pumpasok na mga palay na binibili natin sa magsasaka ay mas madami kesa dun sa mga lumalabas na bigas natin,” sabi ni Lacson.

Samantala, inihayag din ng administrator ng NFA ang planong maglagay ng mga Kadiwa stores sa bawat bodega ng NFA sa lalong madaling panahon. Sinabi ni Lacson na ito ay mapapakinabangan din ng mga magsasaka, dahil maaari na silang pumunta sa mas maraming lugar para ibenta ang kanilang palay.

“Sa mga warehouse mismo ni NFA maglalagay ang DA ng kadiwa ng Panagulo. Umpisa po sa Region 1 and Region 3, they slowly, rollout po sa other regions,” paliwanag ni Lacson. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here