Home METRO 2 kulong sa pagtatapon ng basura sa Road 10 sa Tondo

2 kulong sa pagtatapon ng basura sa Road 10 sa Tondo

270
0

MANILA, Philippines – Arestado ang dalawang lalaki matapos mahuli sa akto na iligal na nagtatapon ng isang trak ng basura sa kanto ng Mel Lopez Boulevard (Road-10) at Capulong Street, Barangay 105, Tondo, Maynila.

Ayon kay Lt Col Ronald De Leon, hepe ng Manila Police District (MPD) Raxabago Police Station 1, kinilala ang mga suspek na sina alyas “Rolly,” 21, residente ng Malinis Street, Valenzuela City, at “Al,” 31, residente ng Muelle De Binondo, Maynila.

Sinabi ng pulisya na ang dalawa ay dinakip ng mga environmental rangers mula sa Department of Public Services (DPS), sa pakikipag-ugnayan sa mga tauhan ng 10 Charlie Sector Line Beat 1 ng MPD Raxabago, sa pangunguna ni Cpt. Ryan Jay D. Balagtas.

Lumalabas sa imbestigasyon na ang trak ng mga suspek ay may kargang basang karton na basura, na nagmula umano sa isang bodega o pabrika sa Valenzuela.

Tinatayang nasa 100 kilo ang bigat ng mga itinapon na basura.

Mahigpit na binabantayan ng MPD at DPS ang lugar upang matiyak ang kalinisan, kaayusan, at kaligtasan ng publiko alinsunod sa direktiba ni dating Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso.

Dinala ang dalawang suspek sa MPD Police Station 1 at nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9003, na kilala rin bilang “Ecological Solid Waste Management Act of 2000.”

Nasamsam din ang truck van na ginamit sa illegal dumping.

Samantala, hinihimok ng MPD ang mga residente at barangay officials ng Tondo na magtulungan sa pagpapanatili ng kalinisan at disiplina sa kahabaan ng Road-10. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here