MANILA, Philippines – Dumipensa ang pinakamalaking grupo ng mga abugado sa maging desisyon ng Supreme Court (SC) sa ligalidad ng impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa isang statement, iginiit ng Integrated Bar of the Philippines na ang ruling ng SC ay isang makasaysayang pagpapairal sa rule of law.
Naniniwala ang IBP na ang naging desisyon ng korte sa Duterte v. House of Representatives ay hindi lamang tungkol sa impeachment o judicial review kungdi tungkol sa pagbabantay sa arkitektura ng Philippine democracy ung saan ang kapamgyarihan ay limitado atang pananagutan ay kailangan dumaan sa proseso.
Binigyan-diin ng IBP na ang ginawa ng SC ay hindi pag-agaw ng kapangyarihan ng Hudikatura kundi katapatan sa konstitusyon.
Ipinaalala ng IBP na ang Supreme Court ang final arbiter sa mga constitutional questions kabilang ang limitasyon ng impeachment kahit ito pa man ay malalakong kasong political.
Nagbabala rin ang IBP laban sa mga hakbang na humihimok na tuligsain ang naging desisyon ng Supreme Court. RNT