Home NATIONWIDE PBBM, dumalo sa APEC economic leaders’ meeting sa China

PBBM, dumalo sa APEC economic leaders’ meeting sa China

3
0

SHENZHEN, China – Dumalo si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasama ang mga pinuno ng iba’t ibang bansa sa ika-33 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting na ginanap sa Shenzhen, China, araw ng Huwebes, Nobyembre 19.

Nakita si Pangulong Marcos na nakaupo sa pagitan ni Russian President Vladimir Putin at Peruvian President Keiko Fujimori.

Kabilang din sa mga dumalo sa APEC Economic Leaders’ Meeting (AELM) ngayong taon sina Chinese President Xi Jinping at US President Donald Trump, kasama ang iba pang mga pinuno ng bansa.

Pinagsama-sama ng AELM ang mga lider pang-ekonomiya mula sa 21 kasaping ekonomiya ng APEC upang talakayin ang mga usapin tungkol sa kalakalan at pamumuhunan, pagpapadali ng mga proseso sa negosyo, at kooperasyong pang-ekonomiya at teknikal.

Dumating si Pangulong Marcos at ang buong delegasyon ng Pilipinas sa Tsina, Miyerkules ng hapon.

Bukod sa pagdalo sa AELM, inaasahan ding magkakaroon ng magkakahiwalay na pagpupulong si Pangulong Marcos ngayong araw kasama sina Vietnamese President Tô Lâm at Mexican President Claudia Sheinbaum.

Sa hapon naman, nakatakda siyang magsagawa ng bilateral meetings o magkakahiwalay na pagpupulong kasama sina Chilean President Jose Antonio Kast, Peruvian President Keiko Fujimori, at Papua New Guinea Prime Minister James Marape. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here