Home TOP STORIES SoKorean stude inakusahan ng AI-assisted cheating, natagpuang nasa cardiac arrest

SoKorean stude inakusahan ng AI-assisted cheating, natagpuang nasa cardiac arrest

3
0

MANILA, Philippines – Natagpuang nasa estado ng cardiac arrest ang isang 32-anyos na South Koreano na nasangkot sa kontrobersiya matapos makakuha ng perpektong marka sa law school admission test, na nagdulot ng hinalang gumamit siya ng artificial intelligence (AI) upang mandaya.

Ayon sa pulisya, natagpuan si Lee Jin-woo sa isang hindi tinukoy na lugar sa Gangdong district nitong Huwebes, kasunod ng ulat tungkol sa pangamba sa posibleng pagpapakamatay ng isang lalaki na nasa edad 30.

Sumikat si Lee matapos makakuha ng perfect score sa law school admission test habang nag-aaral ng dentistry sa prestihiyosong Seoul National University (SNU).

Lalo siyang nasangkot sa kontrobersiya matapos aminin ng nanguna sa national tax accountant exam ngayong taon na gumamit ito ng AI sa pandaraya. Itinanggi ni Lee ang mga alegasyon laban sa kanya.

Nangako siyang patutunayan ang kanyang kakayahan sa pamamagitan ng livestream habang kumukuha ng Korean language section ng college entrance exam nitong Huwebes, ngunit hindi siya sumipot.

Nagdulot din ng mga tanong ang biglang pagtaas ng kanyang marka sa college entrance exam kumpara sa mga resulta niya noong dekada 2010, na naging daan upang makapasok siya sa dental school ng SNU.

Iniulat din ng lokal na media ang mga alegasyon ng dati niyang pagkakasangkot sa pananakit at pangingikil, na walang kaugnayan sa mga paratang ng paggamit ng AI.

Sinabi ng pulisya na kung ideklarang patay si Lee, magsasagawa ang mga awtoridad ng forensic examination at iba pang proseso upang matukoy ang mga pangyayari. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here