ZAMBOANGA CITY – Patay ang dalawang estudyante at sugatan ang kanilang kasama nang sumalpok ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang bahay sa Pagadian City noong Biyernes, Agosto 1.
Kinilala ng pulisya ang mga nasawi na sina Teffanie Saipudin at Jonalyn Oliva, parehong 17 at mga estudyante ng Zamboanga del Sur National High School.
Nagtamo naman ng mga sugat sa ulo ang kanilang kasama at driver ng motorsiklo na si Stanley Abria.
Ayon sa imbestigasyon, tinatahak nila ang isang pababang slope nang hindi gumana ang kanilang preno na dahilan ng pagkawalan ng kontrol at bumangga sa isang bahay na pag-aari ni Jona Sadrino.
Nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya. RNT/MND