MANILA, Philippines – Sugatan ang isang pulis at isang security guard matapos makabarilan ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaking suspek sa Makati City nitong Biyernes ng gabi, Agosto 1.
Sa pahayag nitong Sabado, sinabi ng Makati City Police Station na nagpapa-car wash ang pulis ng kanyang sasakyan sa bahagi ng Edison at Faraday Streets sa Barangay San Isidro nang lapitan ito ng dalawang suspek.
Ang mga suspek ay nakasuot ng blue at itim na long-sleeve shirts, itim na half-face helmets at jeans.
“The two unidentified male persons suddenly approached… and grabbed the victim’s necklace. However, they failed, prompting the victim to run and attempt to draw his issued firearm, but the two suspects fired successive shots towards the victim,” pagdedetalye ng Makati City Police Station.
Ayon sa Makati police, tinamaan din ng isa sa mga bala ang isang security guard.
“From there, one of the suspects forcibly took the victim’s necklace and his firearm while lying on the ground. The suspects fled heading towards Edison Street on an unknown type of motorcycle,” dagdag pa.
Iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang insidente sa pagsasagawa ng backtracking ng closed-circuit television footage at pagkuha ng salaysay sa mga saksi.
Samantala, nasa maayos na kondisyon na ang pulis at security guard. RNT/JGC