Home NATIONWIDE 2 NPA rebels patay sa engkwentro sa Quezon, Occidental Mindoro

2 NPA rebels patay sa engkwentro sa Quezon, Occidental Mindoro

287
0

MANILA, Philippines – Patay ang dalawang hinihinalang mga miyembro New People’s Army (NPA) matapos makaengkwentro ang pwersa ng pamahalaan sa Quezon at Occidental Mindoro nitong Biyernes, Agosto 1, at Sabado, Agosto 2.

Sa inisyal na report mula sa 16th Infantry Batallion, sinabi ng Philippine Army 2nd Infantry Division (2nd ID), na nagkasagupa ang grupo ng mga sundalo at rebeldeng NPA nitong Sabado ng umaga sa Barangay Maguibuay sa Tagkawayan, Quezon.

“Initial reports disclosed that one NPA died during the encounter and three high-powered firearms were confiscated,” ayon pa sa report.

Dahil ang Tagkawayan umano ay matatagpuan sa boundary ng Quezon at Bicol Region, pinaniniwalaang ang mga rebelde ay naka-base sa Camarines Sur.

Noong Hunyo 2023, idineklara ng lokal na pamahalaan, pulisya at military officials sa Quezon na ang probinsya ay malaya na sa impluwensya ng mga rebelde.

Naabot na ng probinsya ang “Stable Internal Peace and Security” o SIPS status, na nangangahulugang ang Communist Party of the Philippines, National Democratic Front of the Philippines, at NPA ay hindi na banta sa peace and order sa lokalidad.

Samantala, nitong Biyernes ay naka-engkwentro rin ng mga nagpapatrolyang sundalo ang grupo ng mga rebeldeng NPA sa Barangay Naibuan sa San Luis, Occidental Mindoro, bandang 8:35 ng umaga batay sa impormasyong inilabas ni Lieutenant Colonel Jeffrex Molina, 2nd ID information officer.

Nagresulta sa pagkasawi ng rebeldeng NPA ang mabilis na palitan ng putok mula sa dalawang grupo.

Wala namang iniulat na nasawi sa hanay ng pamahalaan.

Narekober ng tropa ang isang M16 rifle, apat na magazines, mobile phone, mga bala at mga subersibong dokumento sa lugar kung saan naganap ang engkwentro.

“This latest operational gain highlights the growing support of local communities who are choosing to stand against the presence of armed groups in their barangays.” RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here