Home NATIONWIDE Parusang ipinataw sa empleyadong humarang sa paggamit ng kompanya sa sariling software,...

Parusang ipinataw sa empleyadong humarang sa paggamit ng kompanya sa sariling software, kinatigan ng SC

264
0
(c) Remate File Photo

MANILA, Philippines – Pinagtibay ng Korte Suprema ang suspensyon na ipinataw sa isang empleyado na humarang na magka-access ang kumpanya sa sarili nitong software na ginawa niya habang nagtatrabaho doon.

Sinabi ng SC Third division na tama lang ang JGC Philippines, Inc. sa pagsuspinde (preventive suspension) kay Santiago dJ. Sillano, isang senior engineer, habang iniimbestigahan nito ang kanyang mga kilos.

Gumawa si Sillano ng ilang mga programa habang nagtatrabaho sa ilalim ng JGC. Nang magkaroon ng pagtatalo kung sino ang nagmamay-ari ng software, sinabi ni Sillano na sa kanya ito habang inaangkin ng JGC ang pagmamay-ari nito. Inactivate ni Sillano ang mga security feature na naging dahilan para hindi magamit ang mga programa.

Sinuspinde at pinagpapaliwanag ng JGC si Sillano. Nang tumanggi si Sillano na i-unlock ang mga programa at i-turn over ang mga source code, tinanggal ng JGC si Sillano at nagsampa ito ng reklamo sa National Labor Relations Commission laban sa kanya dahil sa paglabag sa kanyang kontrata sa pagtatrabaho.

Bilang tugon, kinasuhan ni Sillano ang JGC ng illegal dismissal at suspension. Nagsampa din siya ng kaso sa Intellectual Property Office (IPO) na kalaunan ay nagpasya na siya ang nagmamay-ari ng software.

Sumang-ayon ang Korte Suprema sa Court of Appeals na nagpasyang kahit makatwiran ang pagsuspinde ng JGC kay Sillano, ang pagtanggal sa kanya ay walang sapat na due process.

Sa ilalim ng Labor Code, ang isang employer ay maaaring magsuspinde ng isang empleyado nang hanggang 30 araw kung ang presensya nito ay nagdudulot ng banta sa kumpanya o sa ari-arian nito.

Sa kasong ito, may magandang dahilan ang JGC para suspindihin si Sillano.

Sa panahong iyon, naniniwala ang kumpanya na pagmamay-ari nito ang software dahil hindi pa napagpasyahan ng IPO ang bagay na ito. Ang ginawa ni Sillano na pagharang sa access dito ay nagdulot ng banta sa ari-arian nito. Ang pagsususpinde ay sumunod din sa 30-araw na panuntunan sa ilalim ng Labor Code. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here