Home METRO Visayas grid naka-red, yellow alert ngayong Oct. 27

Visayas grid naka-red, yellow alert ngayong Oct. 27

1
0

MANILA, Philippines – Isasailalim sa red at yellow alert ang Visayas power grid ngayong Martes, Oktubre 27, dahil sa kakulangan ng available power supply at limitadong import mula Mindanao, ayon sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Itataas ang red alert mula alas-5 hanggang alas-6 ng gabi, habang yellow alert naman mula alas-4 hanggang alas-5 ng hapon at alas-6 hanggang alas-9 ng gabi.

Ayon sa NGCP, nasa 2,452 megawatts ang available capacity ng Visayas grid kumpara sa inaasahang peak demand na 2,482 MW, habang aabot sa 861.2 MW ang unavailable capacity.

Kabilang sa mga dahilan ang pagkawala sa operasyon ng malalaking coal-fired power plants na TVI 1, TVI 2 at KSPC 1.

Limitado rin ang power imports mula Mindanao dahil sa planned outages ng GNPK 4 at TSI 2.

Sinabi ng NGCP na ilang power plant ang nasa forced outage habang mayroon ding mga planta na tumatakbo sa derated capacity.

Ang red alert ay itinataas kapag hindi sapat ang power supply upang matugunan ang demand at regulating requirement ng grid.

Yellow alert naman kapag kulang ang operating reserve upang matugunan ang contingency requirement ng transmission system. Mary Anne Sapico

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here