Home NATIONWIDE Comelec umaasa, mga magpaparehistro sa BSKE elections madaragdagan pa

Comelec umaasa, mga magpaparehistro sa BSKE elections madaragdagan pa

222
0

MANILA, Philippines – Umaasa ang Commission on Elections (Comelec) na tataas pa ang numero ng mga nagpaparehistro sa nagpapatuloy na voter registration para sa Barangay at Sangguniang Kabataang (BSKE) elections.

Ayon sa Comelec, simula noong Biyernes, sa unang araw ng muling pag-arangkada ng voter registration ay umabot na sa 800 ang nagparehistro sa Light Rail Transit Station.

Sa Manila City Jail naman ay nasa 186 na ang nagparehistrong lalaki ngayong araw habang 37 ang babae na pawang mga inmates.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, hindi mahalaga kung kakaunti man ang nagpaparehistro, ang mahalaga lamang ay lahat magparehistro para hindi sila maisantabi sa eleksyon.

Pinakamarami sa mga nagparehistro ay mula sa District 3.

Sinabi ni Garcia na aasahan pa na masusundan pa ang voter registration sa nasabing mga sites sa special registration schedule.

Nagsagawa rin ng pagpaparehistro ng mga botante sa Jose Reyes Memorial Medical Center ganap na alas 10:30 ng umaga kung saan inaasahan ding marami ang magpaparehsitro. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here