Home NATIONWIDE 12 parak sa kaso ng missing sabungeros sinuspinde ng Napolcom

12 parak sa kaso ng missing sabungeros sinuspinde ng Napolcom

291
0

MANILA, Philippines – Sinuspinde na ng National Police Commission (Napolcom) ang 12 pulis para magbigay-daan sa imbestigasyon sa umano’y kaugnayan ng mga ito sa pagkawala ng mga sabungero.

Noong nakaraang linggo ay naghain ng kaso ang Napolcom para sa grave misconduct, iregularidad sa pagtugon sa duty at conduct unbecoming of a police officer laban sa 12 pulis.

Ayon kay Inspection, Monitoring and Investigation Service (IMIS) Service Director Edman Pares, ang administrative complaint ay batay sa affidavit ng whistleblower na si Julie Patidongan, o kilala bilang “Alias Totoy,” at iba pang complainants. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here