Home METRO Tulak ng P13K bato, 3 durugista timbog sa Bulacan buy-bust

Tulak ng P13K bato, 3 durugista timbog sa Bulacan buy-bust

237
0

Bulacan – Arestado ang isang lalaking tulak nang mahulihan umano ng P13,600 halaga ng iligal na droga sa buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Pandi.

Sa report ni PLTCOL Manuel De Vera Jr, hepe Acting chief of police ng Pandi police station, kinilala ang naarestong suspek na si alyas “Epoy”, 22.

Ayon sa report, ikinasa ng mga pulis ang operasyon, bandang 4:30 ng umaga nitong Agosto 3, sa Brgy. Mapulang Lupa.

Nakumpiska sa operasyon ang tatlong sachet na hinihinalang shabu na may standard drug price na P13,600.

Samantala, huli rin ng mga awtoridad ang tatlong sina alyas Neil, alyas Ariel at alyas Jp bandang 8:41 ng gabi habang gumagamit ng iligal na droga sa pot session sa isang warehouse sa Brgy. Igulot, Bocaue.

Nakumpiska sa kanila ang sachet na hinihinalang marijuana at drug paraphernalia.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa mga istasyong humuli sa kanilang. Dick Mirasol III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here