MANILA, Philippines – Patuloy na makakaapekto sa bansa ang Southwest Monsoon o Habagat, at localized thunderstorm sa ilang bahagi ng bansa ngayong Martes, Agosto 5.
Ayon sa PAGASA, makararanas ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may isolated rain showers o thunderstorm ang Batanes at Babuyan Islands dahil sa Habagat.
Ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa naman ay magkakaroon ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na may isolated rain showers o thunderstorm dahil sa localized thunderstorm.
Samantala, huling namataan ang isang low pressure area sa layong 895 kilometro silangan ng Southeastern Luzon. RNT/JGC