Home NATIONWIDE PBBM: Pondong tinapyas sa foreign-assisted projects, dapat ibalik

PBBM: Pondong tinapyas sa foreign-assisted projects, dapat ibalik

193
0

MANILA, Philippines – SINABI ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na kailangang maibalik ang pondong tinapyas mula sa foreign-assisted projects.

Ang katuwiran ng Pangulo, importante ang mga foreign-assisted projects kaya’t dapat lamang na may sapat na pondo mula sa national budget.

Sa Part 1 ng ikatlong episode ng PBBM Podcast na pinamagatang “Sa Likod ng Sona”, inihayag ng Panguo na may ilang foreign-assisted projects ang tinapyasan ng pondo sa isinagawang congressional budget deliberations noong nakaraang taon.

“Oo, ‘yung pinakamalaking naging problema ‘yung foreign-assisted projects, tinanggal halos lahat nung funding,” ang sinabi ni Pangulong Marcos.

“Kailangan natin ibalik ‘yun dahil importante ‘yung mga foreign-assisted projects. At saka sinisira pati ‘yan ang reputation natin,” aniya pa rin.

Nagbabala naman ang Pangulo na ang ‘budget insertions’ ay “jeopardized vital infrastructure initiatives and damaged the country’s credibility with international financial institutions.”

Ang insertions o pagsisingit ay tumutukoy sa amiyendang ginawa ng mga mambabatas sa panukalang national budget na isinumite ng Executive branch.

Ayon sa Pangulo, ang mga non-priority projects ay pinondohan sa ilalim ng unprogrammed appropriations — mga alokasyon na kadalasang nangangailangan ng paghiram.

Sinabi pa ng Pangulo na mas gusto niyang mag-operate sa ilalim ng reenacted budget kaysa sa General Appropriations bill na lumihis mula sa mga prayoridad na programa ng administrasyon o kunsintihin ang maling paggamit ng public funds.

“Well, yes. I am willing to reenact the budget if that’s what we’ll have to do. I made New Year’s Day the hard deadline. I’m sure we will find a way,” ang pahayag nito.

Habang kinikilala ang constitutional power ng Kongreso sa budget process, sinabi ni Pangulong Marcos na ang tungkulin ng executive department ay tiyakin na ang public funds ay maipaglilingkod sa mga mamamayan.

Samantala, ayon sa data mula sa Department of Economy, Planning and Development, may 44 infrastructure projects, partikular na sa transportation sector at pinondohan ng Official Development Assistance, ang kasalukuyan ngayong naantala. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here