Home ENTERTAINMENT Boobay, nahimatay sa US tour; Ai Ai, pumalit!

Boobay, nahimatay sa US tour; Ai Ai, pumalit!

1
0

Las Vegas, USA – Si Ai Ai de las Alas ang pumalit kay Boobay sa US tour nila ni Super Tekla nang magkaproblema sa health condition nito.

Nitong nakaraan lang, nahimatay si Boobay sa Palms Hotel, Las Vegas–dahilan para rumesponde ang 911.

Dahil sa pag-alala ng mga producer, nagdesisyong kumuha ng replacement kay Boobay.

Nagkataong nasa Pinoy Festival si Ai Ai sa Las Vegas kasama ang mga Kapuso stars.

It was decided upon by the producers to have Boobay return to the country para makapagpahinga ito.

May history na nga naman si Boobay na nahihimatay habang nagtatanghal dito sa Pinas.

Importanteng malaman ng mga bumili ng ticket na si Ai Ai ang ipinalit kay Boobay para maiwasan ang pagkalito ng mga ito.

Sa lumang poster kasi’y mukha at pangalan ni Boobay ang nakasaad bilang co-performer ni Super Tekla.

Dahil sa naging pagbabago, pati pamagat ng show ay ginawa na ding Ai Ai & Tekla Comedy Tour.

May mga shows sina Ai Ai at Tekla sa Long Beach, Bakersfield, Bal Theatre, San Leandro– all in California.

Samantala, marami ang nagpapayo kay Boobay na huwag ipagsawalang-bahala ang kalagayan niya.

Get well soon, Boobay. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here