MANILA, Philippines – Isinusulong ng Department of Health (DOH) ang Human Immunodeficiency Virus o HIV education sa ibat-ibang opisina at workplaces.
Ayon sa DOH, malaki ang oras na iginugugol ng mga manggagawa sa trabaho kaya layon ng ahensya na maabot ang mga opisina at ibat-ibang workplaces para isulong ang kampanya kontra HIV.
Parte sa kampanyang ito ang pagbibigay ng libreng condoms, lubricants, at Pre-Exposure Prophylaxis (PrEP), HIV testing at edukasyon sa pagsunod sa antiretroviral theraphy kung sakaling magpositibo sa HIV.
Unang binisita ng DOH ang lugar ng trabaho ng ibat-ibang Bussiness Process Outsourcing (BPO) companies sa Filinvest Coporate City, Alabang, Muntinlupa City nitong Linggo.
Sinabi ng DOH na mayroong 305 DOH-Designated HIV care facilities sa bansa na handang magbigay ng mga serbisyo par sa HIV prevention, maging ang gamutan ng Persons Living with HIV. Jocelyn Tabangcura-Domenden