MANILA, Philippines – Itinaas ang yellow alert sa Visayas power grid ngayong hapon at gabi ng Martes, Agosto 5, kasunod ng forced outages ng ilang power plant, sinabi ng National Grid Corporation of the Philippines.
Ayon sa NGCP, epektibo ang yellow alert mula alas-3 ng hapon hanggang alas-4 ng hapon at mula alas-6 ng gabi hanggang alas-8 ng gabi.
Mataas ang demand sa kuryente sa Visayas ngunit limitado ang suplay dahil sa forced outages ng ilang power plant.
“Twelve plants have been on forced outage from April to August and six other power plants out since 2023; while eight are on derated capacities, for a total of 744MW unavailable to the grid,” ayon sa NGCP.
Ang Visayas grid ay binubuo ng interconnected island grids ng Cebu, Negros, Panay, Leyte, Samar, at Bohol. Bumubuo ito sa 14% ng power demand ng bansa.
Inilalabas ang yellow alert kung ang operating margin ay kulang para matugunan ang contingency requirement ng transmission grid.
Samantala, nasa normal na kondisyon naman ang Luzon at Mindanao grid. RNT/JGC