MANILA, Philippines – Pansamantalang isinara ang health clinic sa Miag-ao, Iloilo dahil sa hinihinalang kaso ng meningococcemia.
Ayon sa Iloilo Provincial Health Office (PHO), nasawi ang 58-anyos na pasyente noong Agosto 3, 2025 dahil sa hinihinalang meningococcemia.
Iniulat na nagkaroon ng rashes at nakaranas ng sakit sa katawan at lagnat ang pasyente noong Hulyo 30, 2025.
Dinala ito sa health clinic noong Agosto 2, 2025 at na-confine noong Agosto 3 ngunit namatay kalaunan.
Nagsagawa na ng contact tracing ang Municipal Health Office ng Miag-ao.
Ang meningococcemia ay isang bacterial infection na nagdudulot ng inpeksyon sa dugo at kumakalat sa ibang bahagi ng katawan.
Nagbalik naman sa normal na operasyon ang health clinic matapos ang disinfection.
“Isang dangerous communicable disease. Based sa Department of Health (DOH) na guidelines, ang pasyente nirekomenda for immediate na burial kung saan kahapon [August 3, 2025] nailibing na ang pasyente,” sinabi ni Dr. Rodney Labis, hepe ng Health Service Delivery Division ng Iloilo PHO. RNT/JGC