Home METRO PNP-HPG intel niratrat sa Makati

PNP-HPG intel niratrat sa Makati

131
0

MANILA, Philippines – Isang intel officer ng PNP-Highway Patrol Group ang nakaligtas sa pamamaril noong Agosto 1 sa Makati City.

Siya ay pinagbabaril ng siyam na beses ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin habang nagpapalinis ng sasakyan sa Barangay San Isidro.

Tinutugis na ng awtoridad ang mga suspek.

Ayon sa ulat, may hawak siyang kaso laban sa mga kriminal at most-wanted na indibidwal at dapat sana’y makikipagkita sa isang confidential agent.

Posibleng motibo ang pagnanakaw dahil ninakaw ang kanyang baril, pitaka, cellphone, at kuwintas.

Tinamaan din ng ligaw na bala ang isang security guard.

Kasalukuyang nasa ligtas na kalagayan ang opisyal habang pinaghahanap ng Makati police ang mga salarin. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here