MANILA, Philippines – Nilinaw ng Philippine National Railways na hindi pa operasyunal ang rutang Laguna-Bicol.
Ito ay taliwas sa maling impormasyon na kumakalat sa social media.
Ang PNR Bicol Express, na inaasahang magpapabilis ng biyahe sa tatlong oras, ay kasalukuyang nasa ilalim pa ng rehabilitasyon at inaasahang magiging operasyunal sa 2026 ayon sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Inaayos din ng PNR ang mga right-of-way issue para sa Manila-Bicol South Long Haul Project.
Pinayuhan ang publiko na sumubaybay lamang sa opisyal na social media ng PNR para sa tamang impormasyon. RNT