MANILA, Philippines – Iniutos ni National Bureau of Investigation Director Jaime Santiago ang imbestigasyon sa umano’y iregular na operasyon ng NBI-Special Task Force (STF) sa Malolos, Bulacan noong Hulyo. Nagsimula ang imbestigasyon matapos ang reklamo mula sa Chinese Embassy at abogado ng mga naarestong Chinese nationals.
Ayon kay Santiago, maling address ang ibinigay ng mga operatiba sa korte para sa search warrant, na maaaring nakaapekto sa bisa nito.
Pansamantalang sinuspinde ang operasyon ng STF at inilipat sa ibang tanggapan ang mga kasangkot habang iniimbestigahan.
Tinitingnan din ng Internal Affairs Division ang alegasyon ng pagkuha ng personal na gamit ng mga inaresto. RNT