Home NATIONWIDE Employment rate sa Pinas, bahagyang tumaas nitong Hunyo

Employment rate sa Pinas, bahagyang tumaas nitong Hunyo

282
0

MANILA, Philippines – Tumaas sa 96.3% ang employment rate sa Pilipinas noong Hunyo 2025 mula sa 96.1% noong Mayo, ayon sa Philippine Statistics Authority.

Umabot sa 50.47 milyon ang mga may trabaho, karamihan nasa sektor ng serbisyo.

Bumaba naman ang underemployment sa 11.4% at ang unemployment sa 3.7%, bagama’t mas mataas ito kaysa sa 3.1% noong Hunyo 2024.

Bahagyang bumaba sa 65.7% ang labor force participation rate.

Ayon sa mga opisyal, bunga ito ng mga reporma at programa sa trabaho tulad ng EBET Framework, JobStart, at pakikipagtulungan sa mga LGU sa ilalim ng pangmatagalang “Trabaho Para sa Bayan Plan.” RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here