Home ENTERTAINMENT Willie, ‘di pa naghihirap, nagbigay ng resibo!

Willie, ‘di pa naghihirap, nagbigay ng resibo!

252
0

Manila, Philippines — Idinaan sa blind item, pero tumbok naman.

“Better luck next time” na lang ang puwedeng sabihin sa isang online site na nagpasimuno ng fake news na naghihirap na raw ang isang personalidad kaya nagbenta na ito ng ari-arian.

Sinasabing ikinahirap daw nito ang ginastos nang tumakbo sa eleksyon ngunit natalo.

Malinaw na si Willie Revillame ang tinutukoy na nagbenta umano ng kanyang beach resort/hotel sa Puerto Galera—bagay na itinanggi’t pinalagan ng TV host.

Paano raw sasabihing naghihirap siya kung inisa-isa niya sa PEP ang mga bago niyang napundar?

Kabilang dito ang isang yate na nagkakahalaga ng US$12 million, ang 49th floor at penthouse ng isang marangyang condo building sa BGC, at ang brand-new Tesla Beast.

Nilinaw rin ni Willie na hindi kailanman isinailalim sa bentahan ang kanyang Puerto Galera property dahil personal niyang gamit ito.

Sa katunayan, nitong August 1 ay nakipagpulong pa si Willie sa multi-awarded furniture designer na si Kenneth Cobonpue para idisenyo ang events place sa Puerto Galera.

Minabuti ni Willie na pabulaanan ang tsismis na naghihirap na siya upang maiwasang paniwalaan ang kumakalat na fake news.

So there.
Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here