Home HOME BANNER STORY Sabotahe? Apoy, biglang lumitaw sa habang nagdarasal si Cayetano sa impeachment trial

Sabotahe? Apoy, biglang lumitaw sa habang nagdarasal si Cayetano sa impeachment trial

8
0

MANILA, Philippines – Lantaran ang mistulang pananabotahe ng ilang hacker sa opening prayers ni Senator-judge Alan Peter Cayetano sa ika-45 impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa YouTube matapos lumantad ang apoy na ginagamit sa Dragon Ball Z habang nagdadasal ang mambabatas.

Kitang-kita sa YouTube ang isang malaking apoy na dumaan habang malapit nang matapos ang pagdarasal ni Cayetano na iniimbestigahang ngayon ng Public Relation and Information Bureau (PRIB) ng Senado.

Ayon kay Mike Caber, hepe ng PRIB na iniimbestigahang ngayon ang recorded video ng opening prayer bago makapagpalabas ng official statement hinggil sa “pananabotathe.”

Kaugnay nito, natuklasan ng Remate.ph na mayroon nang technical people na inilagay ang Channel 13 sa impeachment trial na nagsimula noong nakaraang linggo.

Tinatawag ito ng isang source mula sa PRIB na “switcher” na tila naglipat-lipat ng frame ng bawat camera na naipalalabas sa YouTube.

Ngunit, sinabi pa ng source na kasalukuyang tinitignan din ng PRIB ang sariling live broadcast ng Senado sa Channel 8 na siyang ginagamit upang magkaroon ng sariling video recording sa lahat ng nangyayari sa impeachment trial.

Hinihintay pa ng media ang resulta ng imbestigasyon at wala pang reaksiyon ang tanggapan ni Cayetano. Ernie Reyes 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here