MANILA, Philippines – Inaresto si Mayor Abundio Punsalan Jr. ng San Simon, Pampanga sa isang entrapment operation matapos umanong tumanggap ng ₱30 milyong suhol.
Ito ay bahagi umano ng hinihinging ₱80 milyon mula sa Realsteel Corp. kapalit ng paborableng resolusyon mula sa lokal na pamahalaan.
Naaresto siya at ang kasama niya sa isang restaurant sa Clark, Angeles City.
Kinumpiska rin ang mga baril at bala ng kanyang security team.
Nahaharap si Punsalan sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Nanawagan si Governor Lilia Pineda na harapin niya ang mga paratang. RNT