MANILA, Philippines – Nagprotesta ang ilang grupo sa harap ng Senado sa Pasay City noong Agosto 6 upang ipanawagan ang pagpapatuloy ng impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.
Naganap ang rally kasabay ng deliberasyon ng Senado matapos ideklarang unconstitutional ng Korte Suprema ang Articles of Impeachment.
Ayon kay Senador Bato dela Rosa, malamang na bumoto ang Duterte bloc pabor sa pagpapatigil ng kaso at iginiit na agad na ipinatutupad ang 13-0-2 na desisyon ng SC kahit may nakabinbing motion for reconsideration. RNT