Home HOME BANNER STORY Impeachment case vs VP Sara, inarchive ng Senado

Impeachment case vs VP Sara, inarchive ng Senado

300
0

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng Senado ang pag-archive ng Articles of Impeachment laban kay Vice President Sara Duterte, alinsunod sa desisyon ng Korte Suprema na idineklarang labag sa Konstitusyon ang prosesong sinimulan ng Kamara.

Ang pag-archive ay nangangahulugang hindi na gagalawin o didinggin pa ng Senado ang kaso, maliban na lang kung may bagong utos o panibagong proseso.

Sa botong 19 pabor, apat ang tumuto at isa ang hindi bomoto, in-archived ng Senado ang  impeachment complaint.

Bukod kay Senate President Francis “Chiz” Escudero, bomoto ng “yes” din sina Senador Alan Peter Cayetano, Pia Cayetano, Ronald “Bato” Dela Rosa, JV Ejercito, Jinggoy Estrada, Sherwin Gatchalian, Bong Go, Lito Lapid, Loren Legarda, Rodante Marcoleta, Erwin Tulfo, Raffy Tulfo, Imee Marcos, and Robin Padilla, Senate Majority Leader Joel Villanueva, Camille Villar, and Mark Villar, at Juan Miguel Zubiri.

Tumutok naman sina Bam Aquino, Risa Hontiveros, Francis “Kiko” Pangilinan, Senate minority leader Vicente “Tito” Sotto III at abstained si Sen. Panfilo “Ping” Lacson.

Ang desisyon ay bunga ng mosyon ni Senador Rodante Marcoleta na inamyendahan upang sundin ang desisyon ng Korte Suprema noong Hulyo 25 na nagsabing “null and void ab initio” ang reklamo at wala umanong hurisdiksyon ang Senado.

Tumutol si Senate Minority Leader Vicente Sotto III at iginiit na may nakabinbing apela pa ang desisyon.

“Mas mainam na hintayin ang resulta kaysa basta ito’y i-archive. I vote yes. May God have mercy on your decision,” aniya.

Bumoto ng pabor si Senate President Chiz Escudero at sinabi, “Piliin natin ang Konstitusyon, piliin natin ang rule of law.” Pinuna rin niya ang Kamara: “Huwag hayaang gamitin kayo ng bulag na galit at ambisyon ng iilan.”

Nilinaw naman ni Zubiri na maaari pang ibalik sa plenaryo ang Articles of Impeachment sa gitna ng nakahain na motion for reconsideration na nakabinbin sa Supreme Court.

“That is why I thank the good movant, Mr. President, for allowing the amendment of the motion to make it a mere archiving of the document, because that will never stop us from being able to pull out the document from the archives,” ayon kay Zubiri.

Pabor din si Senador Ronald Dela Rosa: “Dapat sundin natin ang Korte Suprema, hindi dahil ito ang madali kundi dahil ito ang tama at makatarungan.”

Giit ni Senate Pro Tempore Jinggoy Estrada, “Walang sinuman ang mas mataas sa batas… Ang Konstitusyon ang pinakamataas na batas ng bayan.”

Nag-abstain si Senador Ping Lacson at ipinaliwanag na may nakabinbing motion for reconsideration: “Mas pipiliin kong maghintay at huwag pangunahan ang pinal na desisyon ng Korte Suprema.”

Tumutol si Senadora Risa Hontiveros at binalaan ang Senado: “Make no mistake: This was an act of the Senate. Tayo ang pumatay sa Articles of Impeachment.” Aniya, mahalagang instrumento ang impeachment sa pananagutin ang makapangyarihan.

Bumoto ng pabor si Senadora Loren Legarda “nang walang pagkiling” habang hinihintay ang pinal na desisyon ng Korte Suprema. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here