Home NATIONWIDE Higit P1-M halaga ng kagamitan ng Phivolcs pangmonitor ng lindol, ninakaw

Higit P1-M halaga ng kagamitan ng Phivolcs pangmonitor ng lindol, ninakaw

267
0

MANILA, Philippines – Iniulat ng Phivolcs na nilooban ang San Jose Observation Station nito sa Tarlac at ninakawan ng mahalagang kagamitan para sa pagmomonitor ng lindol.

Kabilang sa ninakaw ay isang Kinemetrics Q330HRS+ Quanterra digitizer na nagkakahalaga ng ₱1.144 milyon at mga solar battery na nagkakahalaga ng ₱70,000. Mahalaga ang digitizer sa pagproseso ng datos mula sa mga seismic sensor.

Ang istasyon ay nagmomonitor ng lindol sa paligid ng Bulkang Pinatubo at tumutulong sa pagrekord ng aftershocks mula sa malalakas na lindol sa Hilagang Luzon mula 2022.

Ito na ang ikatlong insidente ng nakawan sa lugar, matapos manakaw ang mga solar panel noong Oktubre at Disyembre 2024.

Nanawagan ang Phivolcs sa mga lokal na pamahalaan at komunidad sa paligid ng Pinatubo na tumulong sa pagbabantay ng mga pasilidad. Hinihikayat din ang publiko na magsumbong ng anumang impormasyon kaugnay sa insidente.

Ayon sa Republic Act 10344, may parusa ang sinumang magnanakaw o maninira ng kagamitan sa disaster risk reduction. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here