Home NATIONWIDE Chiz sa Kamara: Senado ‘di niyo playground

Chiz sa Kamara: Senado ‘di niyo playground

205
0

MANILA, Philippines – Binatikos ni Senate President Francis “Chiz” Escudero ang Kamara sa umano’y paggamit sa Senado para habulin ang mga kalabang pulitikal, habang ipinaliwanag niya ang kanyang boto para i-archive ang impeachment complaint laban kay Pangalawang Pangulo Sara Duterte.

“Sa House of Representatives, huwag ninyong hayaang magamit kayo sa bulag na galit at ambisyon ng iilan… Hindi palaruan ang Senado para tugisin ang kalaban sa pulitika. Hindi kami kasabwat sa anumang grandeng plano,” ayon kay Escudero.

Dagdag pa niya, “I will never bow to a mob [and] never cower to the shrillest of voices.”

Bumoto rin ng pabor si Senadora Imee Marcos at hinimok ang Kamara na palitan na lang si Speaker Martin Romualdez kaysa patalsikin ang taong “pinili at minahal ng taumbayan.”

Noong Pebrero, inakusahan ng Kamara si Duterte ng betrayal of public trust at iba pang mabibigat na krimen. Tinanggihan ito ni Duterte at tinawag ang complaint na “scrap of paper.”

Idineklara ng Korte Suprema na labag sa Konstitusyon ang reklamo dahil lumabag ito sa one-year rule at sa karapatan ni Duterte sa due process. Bagamat hindi siya nilinis sa mga paratang, pinayagan ang paghahain ng panibagong reklamo simula Pebrero 6, 2026.

Nagsumite ng motion for reconsideration ang Kamara upang baligtarin ang desisyon ng Korte Suprema. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here