Home SPORTS Gilas nagpaliwanag sa pag-bangko kay Malonzo

Gilas nagpaliwanag sa pag-bangko kay Malonzo

303
0

MANILA, Philippines – Hindi pinalaro si Jamie Malonzo sa laban ng Gilas Pilipinas kontra Chinese Taipei sa pagbubukas ng 31st FIBA Asia Cup.

Ayon sa ulat, ito ay desisyon ng coaching staff at hindi dahil sa anumang iniindang injury ng dating Barangay Ginebra forward.

Bagama’t galing sa calf surgery, kabilang pa rin si Malonzo sa line-up ng Gilas para sa Asia Cup.

Subalit ang hindi niya paglalaro ay ikinagulat ng marami, lalo’t kilala siya bilang isa sa mga masisipag at athletic na manlalaro sa koponan.

Wala ring naitalang opisyal na pahayag mula sa coaching staff ukol sa dahilan ng kanilang desisyon.

Kaya naman, naging palaisipan ito sa mga fans dahil tanging si Malonzo ang player na hindi naipasok sa court sa naturang laban.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here