Home METRO 2 tulak, timbog sa Pasay buy-bust ops

2 tulak, timbog sa Pasay buy-bust ops

183
0

PASAY, Philippines – Nadakip sa ikinasang buy-bust operation ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang dalawang drug suspect na tinaguriang high-value individual (HVI) at street level individual (SLI) Martes ng gabi, Agosto 5.

Kinilala ni Pasay City police chief P/Col. Joselito De Sesto ang inarestong HVI na babaeng suspek na si alyas Par, 52, at isang alyas DJ, 28 na isa namang SLI.

Base sa report na natanggap ni De Sesto, naganap ang pag-aresto sa mga suspek bandang alas 9:55 ng gabi sa Baangay 193 Zone 20, Pasay City.

Sa ikinasang buy-bust operation ay nakumpiska sa mga suspek ang isang medium heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng 51.5 gramo ng pinaghihinalaang shabu at isang maliit na plastic sachet na naglalaman naman ng high-grade marijuana o kush na may kabuuang halaga na ₱351,700.

Bukod sa shabu at kush ay narekober din sa posesyon ng mga suspek ang isang kulay asul na eco bag at ang ₱1,000 buy-bust money na kasama ng 49 piraso ng counterfeit money na tig-₱1,000 na ginamit sa oprasyon.

Ang mga nadakip na suspek ay dinala sa SDEU para sa pagsasagawa ng dokumentasyon habang ang mga nakumpiskang mga ebidensya ay dinala naman sa SPD Forensic Unit para isailalim sa laboratory examination.

Kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang mga suspek sa Pasay City Prosecutor’s Office. (James I. Catapusan)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here