Home METRO 300 aplikante, nagkatrabaho sa inilaang mega job fair ng Caloocan LGU

300 aplikante, nagkatrabaho sa inilaang mega job fair ng Caloocan LGU

251
0

CALOOCAN, Philippines – Nabiyaan ng trabaho ang may halos 300 aplikante sa naganap na  Mega Job Fair  ng Pamahalaang Lungsod ng Caloocan kamakailan sa South Caloocan.

Ayon sa Public Employment Service Department (PESD), may kabuuang 293 aplikante ang na-hire on the spot para sa 77 private company sa iba’t ibang industriya.

Binati ni Mayor Dale Gonzalo “Along” Malapitan ang daan-daang aplikante na lumahok sa job fair at nangakong patuloy na gagawing mas accessible ang mga oportunidad sa trabaho para sa kanyang mga nasasakupan.

“Sa unang termino ko bilang ama ng lungsod, hiningi ko ang tulong ng PESD sa paglalapit ng maraming oportunidad sa mga Batang Kankaloo upang tiyaking mayroon silang maayos at disenteng trabaho upang mamuhay ng maginhawa at marangal.” ani Mayor Along.

“Ngayong ikalawang termino ko, sinisiguro ko na sisikapin nating maglapit ng mas maraming trabaho at kabuhayan. Hindi limitado sa mega job fair ang ibibigay natin, kundi pati na ang libreng skills training, livelihood demonstrations, livelihood packages, at mga local recruitment activities.” dagag niya.

Ayon pa sa  pamahalaang lungsod, Isang  Mega Job Fair pa gaganapin  sa Agosto 14, 2025 sa North Caloocan naman sa Ground Floor ng SM City Caloocan – Bagumbong mula alas-9 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon at magkakaroon din ng one-stop shop sa event para sa mas madaling pagproseso ng mga dokumento ng gobyerno ng mga aplikante. (Merly Duero)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here