Home NATIONWIDE PBBM, pumiyok: ‘interesadong tagamasid’ lamang sa impeachment ni VP Sara

PBBM, pumiyok: ‘interesadong tagamasid’ lamang sa impeachment ni VP Sara

262
0

MANILA, Philippines – “Very interested observer” lamang ang papel na gagampanan ng administrasyong Marcos sa impeachment process laban kay Vice President Sara Duterte.

Sa isang panayam kasama ang Firstpost sa New Delhi, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi kailanman siya tumatanggi na magkomento sa usapin ng impeachment ni VP Sara.

Muling inulit ng Pangulo na ang kanyang papel ay hindi lalampas sa pagiging isang tagamasid lamang.

“I have not refused to comment on the impeachment process. I’ve just said – I’ve made it very clear that the Executive, the President, has very little role to play in the process,” ayon sa Pangulo.

“So we don’t – we are, of course, very interested parties, very interested observers, but it doesn’t go beyond that,” aniya pa rin.

Sa panahon ng mid-term elections noong Mayo, “the political heat, the political noise, the political rhetoric, of course, rose accordingly.”

Subalit nang matapos na ang halalan, kumalma ang political heat at humina ang political noise, binigyang diin na ang “peace once again reigns” sa bansa.

Sa kabilang dako, tinanong naman ang Pangulo kung sa tingin nito ay may kakayahan si VP Sara na ipapatay siya, tinukoy ang death threat na inihayag sa publiko noong nakaraang taon.

Ang tugon ng Pangulo ay “I don’t know.”

Gayunman, sinabi ng Pangulo na ang kanyang posisyon ay palagi namang nakatatanggap ng iba’t ibang uri ng pagbabanta at siniseryoso niya ang mga ito.

“I don’t know. You know, but I’m really not in a position to say what that’s about. But you have to – you have to be careful. But then, you know, in my position, there always is some kind of threat. And we take them all very seriously,” ang winika pa rin ng Pangulo. /Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here