Home METRO Meycauayan river, nilinis ng MMDA, Valenzuela gov’t

Meycauayan river, nilinis ng MMDA, Valenzuela gov’t

272
0

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng cleanup operations ang Metropolitan Manila Development Authority at Valenzuela City government sa Meycauayan River nitong Huwebes, Agosto 7, bilang bahagi ng Bayanihan sa Estero program para linisin ang mga daluyan ng tubig sa mga basura at maiwasan ang pagbaha.

Ang paglilinis, na ginawa gamit ang mga backhoe na ikinabit sa mga barge, ay isinagawa sa Barangay Caingin sa boundary ng Valenzuela City at Meycauayan, Bulacan.

“Malaki ang maitutulong niya dahil alam naman natin na pag nabarahan dito ‘yung tubig, maiipit at magko-cause ng pagbaha sa [North Luzon Expressway]. Hindi lang NLEX, kundi sa iba pang parte ng Metro Manila,” ayon kay MMDA General Manager Procopio Lipana.

Ayon sa datos ng lungsod, 8,100 cubic meters ng basura at water lilies ang nakolekta na — katumbas ng 450 truckloads mula sa nag-iisang site na ito. Gayunpaman, ang paglilinis ay malayong matapos.

Target ng isinasagawang operasyon ang pag-alis ng 6,600 cubic meters ng basura. Inaasahan ng mga opisyal na malilinis ang ilog sa loob ng dalawang linggo bilang pag-asam ng mga bagyo.

Magpapatuloy ang regular na maintenance, at hinihimok ng mga lokal na opisyal ang mga kalapit na establisyimento na magsagawa ng wastong pagtatapon ng basura. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here