Home ENTERTAINMENT Kyle, nagsalita na sa ‘special friendship’ kay Papa P!

Kyle, nagsalita na sa ‘special friendship’ kay Papa P!

288
0

Manila, Philippines- Nagsalita na si Kyle Echarri tungkol sa mga naglalabasang tsismis tungkol sa kanila ng Ultimate Leading Man na si Piolo Pascual.

Hanggang ngayon kasi ay marami pa rin ang naglalagay ng malisya sa pagkakaibigan ng dalawa.

Ayon sa binata, para na silang magkapatid ni Piolo at walang bahid ng katotohanan ang mga chikang naglalabasan sa social media, na meron silang something together.

Paliwanag ni Kyle, “I never really have to answer what the people say. Mali ang iniisip ng mga tao. Kapatid ko ‘yan. He is a brother, a best friend of mine.

“Kami, alam namin magkapatid kami. We are best friends.

“I have been asked this so many times. I know who I am. Kapatid ko ‘yan. He is like a brother to me. He has been a mentor to me for the past two years,” aniya pa.

Paglilinaw pa ng singer-actor sa pagiging close nila ni Papa P, “He came into my life at a very significant time when I was losing my sister. Ilan lang po nakaalam sa pinagdadaanan ko noon.

“One of the brothers that helped me out through the scenes na masakit at mahirap gawin dahil sa nangyari sa kapatid ko.”

At kaya rin naman naging close sina Piolo at Kyle ay dahil ilang beses na silang nagkatrabaho sa mga serye, at magkasama sila sa ASAP tuwing Linggo.

May bago rin silang proyekto na malapit nang mapanood ng madlang pipol.

Natanong din si Kyle tungkol sa kanyang lovelife.

“Sa ngayon, I am taking my time building a relationship with myself, inner peace, and loved ones around me. Hindi kailangan meron ako agad,” sey pa ng binata. Rommel Placente

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here