Home NATIONWIDE Pagtuldok sa Ukraine-Russia war, ipinanawagan ni Zelensky kay Putin

Pagtuldok sa Ukraine-Russia war, ipinanawagan ni Zelensky kay Putin

285
0

MANILA, Philippines – Nanawagan si Ukrainian President Volodymyr Zelensky nitong Huwebes ng isang harapang pulong kay Russian President Vladimir Putin upang wakasan ang digmaan, matapos makipagpulong si Putin kay Donald Trump’s special envoy Steve Witkoff sa Moscow.

Tinawag ni Trump na “highly productive” ang naturang pag-uusap, ngunit sinabi ng Estados Unidos na ipagpapatuloy nito ang mga parusa sa mga kaalyado sa kalakalan ng Russia.

Ayon kay Zelensky, nakausap niya si Trump sa telepono kasama ang mga lider ng Europa, at sinabi nitong maaari nang mangyari ang pulong nila ni Putin “very soon.”

“Sa Ukraine, matagal na naming sinasabi na ang tunay na solusyon ay makakamtan sa antas ng mga lider,” ani Zelensky sa social media. “Kailangan nang tukuyin ang tamang oras at mga isyung dapat talakayin.”

Dagdag pa niya, makikipag-ugnayan din siya kina German Chancellor Friedrich Merz at iba pang European officials, at magpapatuloy ang komunikasyon sa antas ng national security advisors.

“Ang pinakamahalaga ay ang Russia, na siyang nagsimula ng digmaan, ay gumawa ng tunay na hakbang upang wakasan ang agresyon nito,” diin ni Zelensky. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here