Manila, Philippines – Sugatan ang isang barbero sa Quezon City matapos saksakin ng sarili niyang customer na hindi umano natuwa sa kanyang gupit.
Ayon sa ulat, nasaksak sa pisngi ang biktima matapos magalit ang suspek sa naging resulta ng kanyang gupit. Hindi raw regular na customer ang suspek.







