Home NATIONWIDE P198-M pekeng produkto nasabat ng NBI sa Pasay, Laguna

P198-M pekeng produkto nasabat ng NBI sa Pasay, Laguna

243
0

MANILA, Philippines – Nasabat ng National Bureau of Investigation (NBI) ang halos P198 milyong halaga ng umano’y pekeng produkto ng Louis Vuitton sa mga operasyon sa Pasay City at Laguna.

Sinabi ng NBI na nasamsam ang mga pekeng produkto sa bisa ng search warrant na ipinatupad sa Laguna at Pasay City noong Hulyo 21 at 26, ayon sa pagkakasunod.

Pinaalalahanan ng NBI ang publiko laban sa pagtangkilik sa mga pekeng o pirated na produkto upang maprotektahan ang mga karapatan sa intelektwal na ari-arian ng mga may-ari, at upang mapahusay ang paglago ng ekonomiya.

Sinabi ng NBI na isinagawa ang operasyon sa kahilingan ng kinatawan ng Louis Vuitton dahil sa paglabag sa trademark, partikular sa Section 155 kaugnay ng Section 170 ng Republic Act (RA) 8293, ang Intellectual Property Code of the Philippines.

Ayon pa sa NBI, umabot sa 1,736 na pekeng produkto ang nasamsam sa operasyon.

Sa Laguna, nasabat ang mga pekeng produkto sa Calamba City, Sta. Rosa City, at Biñan City; habang sa Pasay City, kinuha ang mga nasabat na produkto mula sa limang stalls.

—Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here