Home HOME BANNER STORY Bagyong Fabian mananasala sa Pinas

Bagyong Fabian mananasala sa Pinas

233
0

MANILA, Philippines – Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration ngayong Biyernes ng umaga na ang binabantayang Low Pressure Area (LPA 08a) sa loob ng Philippine Area of Responsibility ay naging isang tropical depression na pinangalanang “Fabian.”

Ayon sa PAGASA, ganap nang tropical depression si Fabian mula alas-8:00 ng umaga ng Agosto 8, 2025. Samantala, patuloy pa ring binabantayan ang Tropical Storm Podul na nasa labas ng PAR.

Sa 24-hour forecast ng ahensya, sinabi nitong patuloy na magpapabago ng lagay ng panahon ang Habagat sa malaking bahagi ng bansa. Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang mararanasan sa Visayas, Bicol Region, MIMAROPA, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao, Caraga, Davao Region, at Quezon. Bahagyang maulap hanggang sa maulap na kalangitan naman na may panaka-nakang pag-ulan ang mararanasan sa Metro Manila, natitirang bahagi ng CALABARZON, at natitirang bahagi ng Mindanao.

Asahan din ang localized thunderstorms sa natitirang bahagi ng Luzon. Inaasahang magiging banayad hanggang katamtaman ang hangin at pag-alon ng karagatan sa buong bansa. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here